ANNE MAGBIBIDA SA LOCAL VERSION NG KOREANOVELANG GREEN ROSE
by Nolan Abelilla
Friday, 08 January 2010FROM a very reliable source, nasa kontrata pala ni Anne Curtis ang paggawa nito ng new Koreanovela under ABS-CBN, ang Green Rose.
The said contract was the one Anne renewed last year, kasama rin ang isa pang show, and it turned out to be Showtime na namamayagpag na ngayon sa ratings at siyang “nagpaligwak” sa 8 or 9-year old Sis ng GMA sa ere.
Ang Green Rose ay hit Korean drama television series na normally ay nag-ra-run ng 16 episodes, pero dahil nag-hit, ito ay na-extend up to 23 weeks noong 2005. It interweaves romance into a story of revenge to offer a fascinating drama.
Dahil blockbuster ito sa Korea, isang Japanese company na ang nakabili ng rights ng serye para sa pagpapalabas nito sa Japan. Super-suwerte at ang ganda ng takbo ng career ngayon ni Anne and she deserves it naman dahil ne-ver natin siya naringgan ng unprofessionalism, na pinakamahalaga para magtagal ka sa showbiz.
* * *
ANG tanong ngayon, sino ang magiging leading man ni Anne Curtis sa Green Rose, na baka second quarter of the year pa masisimulan ng ABS-CBN, since marami pang naunang nai-line up na magsisimula nang humataw sa Primetime Bida next week.
Mula sa isang insider ng Kapamilya Network, una naming narinig na ang ma-giging leading man ni Anne ay si Jericho Rosales.
Bongga ‘yun dahil new combination ang Jericho-Anne on TV, as in wala pa silang pinagsasamahang serye, kundi pelikula lang, ang Baler ng Viva Films noong 2008 MMFF, kung saan nagwaging Best Actress si Anne. Click ang screen chemistry nina Anne and Echo, at parehong nakakaarte. After Dahil May Isang Ikaw, wala pa tayong naririnig na next soap ni Echo, kundi isang pelikula with KC Concepcion under Star Cinema na hopefully ay swak ang istorya sa personalities nina Echo and KC.
At heto na nga, after a couple of weeks, from another friend sa ABS-CBN pa rin, narinig namin ang name ni Sam Milby na kinu-consider rin to be Anne’s leading man. Na-link na romantically silang dalawa sa past teleseryes nila at bagay din naman ang Anne-Sam tandem.
Medyo nag-i-improve na rin si Sam sa acting department at sanay na rin sa Tagalog, ewan lang kung “carry” na niya ang heavy drama scenes at with conviction na ang pag-deliver ng Tagalog lines! So, for now, it’s a toss between Jericho and Sam to be Anne’s leading man sa next serye nito o may napili na kaya sa kanila?
When we asked Veronique del Rosario-Corpus, Anne’s manager, kung sino ang leading man ng alaga, wala pa raw detalyeng pinag-uusapan kaya hindi pa nito alam ang desisyon ng ABS-CBN.
* * *
GOING back to Showtime, it’s noteworthy to talk about ang nakakabaliw na paghataw nito sa ratings game, lalo’t ito ang basehan ng advertisers.
Ito nga lang pala ang hi-nihintay ng Kapamilya na nagpa-goodbye sa Sis ng Kapuso.
As per AGB Nielsen ratings, sa last episode ng Sis noong January 1 (Friday), nagtamo ito ng just 5.6% samantalang ang Showtime ay milya-milya ang agwat, 15.4%! Three days after, January 4 (Monday), New Year, new week, new show.
Recent Tagalog films ang pansamantalang humalili sa slot ng Sis -- ang Kapuso Movie Festival. Ito ay nakakuha ng 15.6%, against Showtime’s 17%, and that’s not bad at all dahil maliit lang ang lamang, kaya ‘di rin dapat mag-sitting pretty ang Showtime staff dahil baka trip rin ng Pinoy televiewers ang Tagalog films tuwing umaga, huh!
Friday, 08 January 2010
*snipped*
Nasa Pilipinas na si Sam Milby mula sa dalawang linggong bakasyon niya sa Amerika kung saan based ang kanyang ina’t mga ka-patid.
Dumating kamakalawa ng gabi ang aktor at kahit pagod sa biyahe, nagpaunlak ng panayam si Sam. Ikinuwento ng aktor na talagang nag-enjoy siya sa bakasyon niya at nag-bonding daw silang magkaka-patid sa Ohio.
Dahil ilang linggo ng nawala sa ‘Pinas, aminado rin ang aktor na talagang na-miss niya si Anne Curtis.
In fact, may mga nabili rin daw siyang pasalubong para kay Anne pero nu’ng tanungin si Sam kung ano ang mga ito, sinabing secret daw.
Basta, ang binanggit lang ni Sam, alam niyang matutuwa si Anne sa mga binili niya for her.
Hindi tuloy maiwasang isipin ng marami na po-sibleng sila pa rin sa bandang huli.
Lagi kasing sinasabi ni Sam na masaya siya kung anong set-up mayroon sila ni Anne.
Super-excited din si Sam sa kanyang pagbabalik-trabaho na ang tsika ay magkakaroon ulit sila ng project ni Toni Gonzaga sa TV.
Ano naman ang masasabi ni Sam sa pagbe-beso nina Toni at Anne sa Showtime? Aniya, natuwa siya at talagang napatunayan na hindi totoong may gap ang dalawa at hindi nagpaplastikan.
Ini-intriga kasi sina Toni at Anne dahil silang dalawa nga ang pinakamalapit sa puso ni Sam.
Pero paglilinaw ni Sam, walang love triangle, huh!
Isa pang isyu na sinagot ni Sam ay tungkol kay Maja Salvador.
Ayon sa aktor, totoong nagagandahan siya kay Maja pero they never went out o nag-date.
Ang tanong, pumayag pa kaya si Maja na makatrabaho si Sam kahit halata na-mang si Anne talaga ang gusto ni Sam at hindi siya?
‘Yun ang dapat abangan.
*snipped*
http://www.journal.com.ph/index.php/
Sam Milby feels pressured about his first movie with Anne Curtis
by Napoleon Quintos | January 08, 2010 8:53 AM
Sam Milby recently signed a three-picture contract with Star Cinema, with the first movie Babe, I Love You already in pre-production. The movie will have him star opposite former flame Anne Curtis. ABS-CBN.com interviewed Sam after his contract signing and he talked about the movie with Anne, his first project for 2010. “Nakaka isang araw pa lang kami ng shooting. But we’re going to have a look test para makuha namin talaga ‘yung characters namin. It’s going to be a romantic comedy. Hindi ko pa nababasa ‘yung buong script, but it’s a good story. Challenging sa akin ‘yung character. It’s very different from the other roles I did in the past. I’ll be playing a Philosophy college teacher. He’s a very organized guy, but he has a rebel past during his teenage years. Marunong siyang mag-taekwondo.”
Sam and Anne have previously worked together on three teleseryes, Dyosa and the two chapters of Maging Sino Ka Man. But since this is their first team up on the big screen, Sam confessed the he feels a bit pressured. “This is our first movie. We’ve done three teleseryes na. I’m nervous because although I’m thankful that maraming sumuporta sa amin sa TV, a movie is different kasi. People pay to see you. Sana ‘yung mga sumuporta sa amin sa mga teleserye will also go out and see our movie. I’m excited kasi maganda kasi ‘yung story. This is our treat to our fans who want me and Anne to do a movie.”
He added that pressure is inevitable every time he would do a movie, even with his blockbuster hits with Toni Gonzaga. “There’s always pressure when you do a movie. Kahit with Toni nararamdaman ko ‘yun. Pero mas sobra lang ‘yung pressure this time because this is the first time we’re pairing up for a movie. Hindi pa alam kung tanggap ba kami ng tao sa big screen. There’s the pressure if this will work out.”
The Fil-American heartthrob said he has no idea why it took some time for him and Anne to pair up for a movie. The two met on the set of the first Maging Sino Ka Man, fell in love, and broke up while doing Dyosa. “I don’t know kung bakit natagalan. Palaging may ibang naka line up na projects para sa amin. Of course management ang nagde-decide niyan. Siguro rin kasi when we broke up, the management didn’t want to pair us up muna baka kasi it wouldn’t work out well. But we’re friends again. We’re very okay now. Madami kaming fans and as our gift, we give them this movie.” But he was quick to say that Babe, I Love You will not necessarily pave the way for a rekindled romance. “Hindi naman!” Sam said with a big smile.
No comments:
Post a Comment