Hindi pa rin mamatay-matay ang isyu sa pag-uugnay ng dating real-life sweethearts na sina Anne Curtis at Sam Milby. Naghiwalay na sila subalit patuloy pa rin ang pang-iintriga sa kanila. Ang nangyayari tuloy ay walang katapusan ng palitan nila ng mga salita.
Kamakailan ay may napabalitang nahuli umano si Anne na may kahalikang ibang lalaki sa isang bar at kinunan naman ng reaksyon si Sam. Sinabi ng Fil-Am actor na wala naman talaga siyang karapatan mag-react dahil hindi na sila ni Anne. Samantala, sinabi naman ni Anne na hindi niya alam kung saan nanggaling ang chismis na iyon. Nalalagay tuloy silang dalawa ni Sam sa alanganin. " 'Yung mga nag-iinterview sa kanya (Sam), sinasabi, 'Sinabi ni Anne…' so siyempre siya sasagot siya ng akala niya, tapos kapag may nag-interview sa akin, 'Sinabi ni Sam…' siyempre ako naman, 'Sinabi niya 'yon?’ " Isa lang ang naiisip na solusyon ng aktres upang matigil umano ang mga usapang ito. "I think ito talaga ang dapat mangyari, it's time for me to shut up about us," pahayag niya. Idinagdag niya ito rin umano ang dapat gawin ni Sam.
Ibinahagi naman ng host na si Ruffa Gutierrez sa POV (Poins, Opinion, Violent Reactions) portion ng The Buzz kahapon (February 22) na naka-move on na ang aktres mula sa kanyang relationship kay Sam na noong una ay iyak nang iyak sa tuwing interview nito. Best friend ni Anne ang kapatid ni Ruffa, si Raymond, na kamakailan lamang ay nagsama para sa isang trip abroad. "She's enjoying her life being single. She is concentrating on her career." Idinagdag naman ni Boy Abunda na kahit si Sam umano ay naka-move on na rin.
No comments:
Post a Comment