Saturday, March 20, 2010

Anne Curtis and Sam Milby, ready to fall in love again

By: Bernie Franco Sunday,  April 12, 2009 11:09 PM


Sa ipinalabas na interview ng The Buzz kahapon (April 12), sinabi ng dating magkasintahang sina Anne Curtis at Sam Milby sa magkahiwalay na interview ng handa na silang umibig muli matapos ng mahabang proseso ng kanilang pagmu-move on. Nang makapanayam si Anne, sinabi nitong handa na siya para sa bagong pag-ibig kung sakali mang dumating ito.


“I think I am ready …I don’t know… whatever may come my way I know that when the time is right I’m ready again,” sambit ng aktres, subalit idinagdag niyang wala siyang bagong idini-date sa ngayon. Kung matatandaan ay ilang linggo na ang nakalilipas nang intrigahin si Anne na nakita umanong may kahalikang lalaki na kanya namang itinanggi.


Samantala, nakausap din ng The Buzz si Sam Milby pagbalik sa Pilipinas matapos ang dalawang linggong taping sa Korea para sa upcoming teleserye na Only You. Hiningan siya ng reaksyon hinggil sa kanyang buhay pag-ibig, at gaya ng sagot ni Anne, sinabi ng Fil-Am actor na single and very much available siya ngayon, pero hindi naman siya actively seeking. “I’m ready to fall in love again pero wala akong dini-date. And I’m not looking for it. But I’m ready,” maikling pahayag ng aktor. At kahit na break na sila at nakapag-move on na sa kani-kanilang buhay, hiniritan pa rin si Sam kung sa tingin ba niya ay may posibilidad pa ring magkabalikan pa rin sila ni Anne. “You can say that there’s a possibility to anything,” malaman niyang sagot.


Samantala, kung hindi man makulay ang kanilang buhay pag-ibig ngayon ay walang dudang very active ang career ng dalawa. Matapos niyang manalo bilang Best Actress mula sa MMFF para sa kanyang pagganap sa Baler, na-nomina muli si Anne para sa Star Awards for Movies for the same role. Susunod din makikita ang Fil-Australian actress sa teleserye na Weddings with Zanjoe Marudo at Derek Ramsay as her leading men. In the meantime, kinumpirma ni Anne na magbabakasyon siya ng isang buwan sa Europa kasama ang kanyang mga friends ngayong Mayo. Ito umano ay regalo niya sa kanyang sarili. Si Sam naman ay makikita sa nalalapit na Only You, isang adaptation ng Korean hit soap opera kasama sina Angel Locsin at Diether Ocampo.


SA POV (Points Opinion, Violent Reactions) naman, sinabi ng host na si Boy Abunda na ang pag-ibig ay hindi pinipili kung kailan mangyayari. “Wala namang schedule when one is supposed to fall in love. It happens,” komento ng host.


 


Source:http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/3080/Anne-Curtis-and-Sam-Milby-ready-to-fall-in-love-again.aspx

No comments:

Post a Comment