JERICHO 'OUT' KAY ANNE ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon)
Updated January 01, 2010 12:00 AM
Magandang balita para sa mga fans nina Anne Curtis at Sam Milby ang nasagap naming muling magtatambal ang ex-lovers sa isang soap ng ABS-CBN entitled Green Rose. Late January ang simula ng taping at dahil araw-araw uling magkikita, magka*kakuwentuhan at mare-rediscover nila ang isa’t isa at abangan na lang ang mga susunod na mangyayari sa kanila.
Kasama sa cast si Alessandra de Rossi sa isang importante at mapuwersang role. Matagal ding napa*hinga sa trabaho si Alex, kaya excited na itong muling humarap sa kamera. Masaya ang pasok ng Bagong Taon sa aktres dahil sunud-sunod ang trabaho.
Tampok din sila ni Toni Gonzaga sa isang episode ng Your Song.
Balik sa Green Rose, ang unang balita namin, sina Anne at Jericho Rosales ang magkapareha rito, obviously ay napalitan dahil pangalan na ni Sam ang makakatambal ni Anne.
FOR our list of 2009's best performances, we'll start with our best actor choices. Coco Martin tops our list for his fine portrayal of a young man who gets initiated into a life of crime and corruption that he reluctantly embraces in "Kinatay." Next is Joey Paras as the production designer who loses a tapestry while shooting a TV commercial and pays dearly for it in "Last Supper No. 3," Allen Dizon as the community organizer and activist abducted and tortured by the military in "Dukot," SAM MILBY as the positive force of life who brings hope to a young widow in "And I Love You So," John Lloyd Cruz as the gay illegal migrant in New York who helps change the outlook in life of his lover's mother in "In My Life," Lou Veloso as the ex-convict who takes a road trip with a cop in "Colorum" and Jinggoy Estrada as the hard-hitting radio commentator out to be liquidated by a hitman in "Bente." To be continued tomorrow.
~credits to Coleen~
Sam Milby and Anne Curtis to Star in New Soap Entitled ‘Green Rose’
January 1, 2010 by CD
It looks like Sam Milby and Anne Curtis are bound to be together longer this 2010 as they will start shooting their new soap while finishing their film “Maybe It’s You.”
The ex-lovers will now work together longer this year as they will start shooting their new soap opera on ABS-CBN later this month entitled “Green Rose.”
The said soap was supposed to be topbilled by Anne Curtis and Jericho Rosales. To the last minute, Jericho was replaced by Sam Milby. Sam is currently doing a movie with Anne with working title “Maybe This Time.” Perhaps their schedules complement each other that’s why the management decided to pair them again on television.
Playing the third wheel in “Green Rose” is character actress Alessandra de Rossi.
No. 1 SEXIEST ACTRESS ANNE CURTIS
ANNE CURTIS, NAUUBOS NA ANG MGA DAMIT!
January 6, 2010
BACK TO WORK na ulit si Anne Curtis sa kanyang pre-noontime show na Showtime. Na-interview namin si Anne at ikinuwento niya sa amin ang kanyang naging holiday vacation. “Dahil live kami nu’ng Christmas day, after noon, nagpunta kami ng Hongkong. Then we went to Bangkok, nagtrabaho ako du’n. Tapos nagkaroon ako ng time na mag-beach.
Nag-beach kami noong Dec. 31 kaya ako tanned na tanned ngayon. Pero overnight lang kaya sandali lang kami ng sister ko. Kasi live na kami nu’ng Jan. 1,” mahabang kuwento ni Anne.
At dahil bagong taon na, may New Year’s resolution din si Anne. “Ilang beses ko nang sinasabi ito, dahil nga nag-tweet sa akin si Paulo Coelho (isang magaling na author), na-inspire ako na ganoon pala ang feeling ng isang fan. Kaya ngayong taon, magiging ganoon na rin ako sa mga followers ko sa Twitter. Hindi lahat, pero I will try.” Pahayag ng aktres.
Dahil sa araw-araw ang kanyang programa, problema raw ngayon ni Anne ang kanyang mga damit.
Nauubusan na raw ito ng mga isusuot kaya naman nagulat siya sa regalong nakuha niya ngayong araw mula kay Kris Aquino. “She gave me nice tops to help me daw replenish my closet.
“Kasi nga araw-araw ang Showtime at nauubos na ‘yung mga damit ko. Buti na lang okay itong mga ibinigay ni Ate Kris. Kasi nu’ng nasa Bangkok ako sinabi niya na I should go to this place daw kaso lang sabi ko wala akong time. Kaya sabi niya, okay sige ako na lang! Kaya I’m very very happy. She is really becoming a sister to me.” Pagbabahagi ni Anne.
Excited na rin si Anne para sa kanyang bagong proyektong gagawin kasama ang kanyang real-life and rumored na nakabalikang boyfriend na si Sam Milby. “’Eto nga kakakuha ko lang ng script namin so I have to read it and internalize on my character. Kasi malayung-malayo ‘yung characters namin dito sa tunay na buhay. Nakapag-workshop na nga kami so ayun, kailangan ko na itong basahin!”
Pero bukod dito, masayang-masaya rin ngayon si Anne para kay Sam na nakalubos ng bakasyon kasama ang kanyang mga pamilya. “I’m just really happy for him. Kasi alam mo siya hindi siya nagkakaroon ng time to spend with his family ‘pag mga holiday vacations kaya I’m happy that he found time.” Ngayong araw, January 6 ang uwi ni Sam Milby mula sa kanyang bakasyon sa Ohio.
SAM MILBY, OKAY LANG MAKASAMA SA PELIKULA NILA NI ANNE CURTIS SI TONI GONZAGA
Posted on January 7, 2010
KALALAPAG LANG NI Sam Milby kahapon ng madaling-araw sa NAIA Terminal 1 mula sa kanyang bakasyon sa Ohio. Iba ang aura ni Sam at kitang-kita talagang nakapagpahinga siya. Walang masyadong dala si Sam at tanging ang kanyang mga damit lang at ilang bagahe ang dala nito.
Sa aming pakikipagkuwentuhan kay Sam, ibinahagi nito ang kanyang excitement sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya. 2004 pa pala nang huling nakasama ni Sam ang kanyang pamilya at ngayon lang ulit nakumpleto ito sa pagpunta niya ng States.
“Halos kumpleto naman kami, except for my stepbrother na hindi nakarating. Pero sobrang ang saya lang ng pakiramdam kasi matagal na akong hindi nakakapag-spend ng Christmas with them,” pahayag ng aktor.
Nag-enjoy talaga siya sa kulang-kulang na dalawang linggong bakasyon at walang trabaho. “Dati kasi ‘pag magpa-plan ako ng Christmas vacation sa US biglang may darating na work so this time I made sure na wala.”
Hindi naman daw nakalimutan ni Sam na batiin ang kanyang mga kaibigan nu’ng mismong araw ng Pasko at Bagong Taon, lalo na siyempre si Anne Curtis.
“There were text messages lang. I greeted her nu’ng Christmas and New Year.”
Tinanong namin kung ano naman ang laman ng text messages na iyon at ang sagot niya, “Wala naman… ‘yung normal lang na greetings ‘pag Pasko and New Year.”
May pasalubong din si Sam para kay Anne pero hindi na ito nagbigay ng specific details at ang tanging nasabi lang niya ay, “Basta ibibigay ko ito sa kanya and sana ay magustuhan niya.”
Hindi man siya nagkakaroon ng pagkakataong makapanood ng Showtime, tinanong namin kay Sam kung ano ang reaksiyon nito sa kamakailang nangyaring birthday celebration ni Vhong sa show, kung saan nagsama sa isang stage sina Anne at Toni Gonzaga. Napabalita noon na nagka-rift ang dalawa dahil kay Sam at doon daw nagsimula ang pag-iiwasan ng dalawang TV hosts.
“Whatever ilingan they had in the past, I think wala na ‘yun ngayon. Matagal na siya and I think they’re okay,” komento ni Sam.
Wala rin daw kaso kay Sam kung mabibigyan ng cameo role o isasama sa kanilang pelikula ni Anne si Toni Gonzaga. Nakuha na ni Anne ang kanyang kopya ng script at si Sam ay nakakuha na rin ng kopya. Malapit na rin daw nilang simulan ang shooting ng pelikula kaya ngayon palang ay puspusan na ang kanilang paghahanda.
Balik-trabaho na nga agad ngayon si Sam at bahagi ng kanyang New Year’s resolution ay maipagpatuloy ang pag-improve ng kanyang acting career at ilan dito ang exciting projects na gagawin niya tulad ng movie nila ni Anne Curtis at ang Precious Hearts Romances episodes nila ni Maja Salvador. Minsan nang na-link si Sam kay Maja pero nilinaw ng binatang aktor na never pa silang lumabas ni Maja at itong project nila sa Precious Hearts ang unang pagkakataong magkakasama sila.
We are a group of people who loves and supports Sam Milby and Anne Curtis, individually and/or together!
Follow us on Twitter: @samannehotgurlz
Email: samannehotgurlz@gmail.com
Thank you!
No comments:
Post a Comment