Sam Milby and Anne Curtis, back in each other's arms?
by MJ Felipe | August 06, 2009 8:25 AM | Share this article
Mukhang balik sa spotlight ng mga intriga ang aktres na si Anne Curtis. Masaklap ang nangyari kay Anne nang mabangga siya ilang araw na ang nakakaraan. Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita si Anne tungkol dito, at marahil ito'y nagpapagaling pa dahil ang nakarating sa aming balita ay nagtamo daw ito ng mga minor na galos.
Pero hindi pa man nagsasalita si Anne tungkol sa aksidenteng kinasangkutan nito, may panibago na naman siyang balitang kailangang bigyang linaw. Noong Sabado, August 1, di naman sinasadya na matapat sa araw din ng pagpanaw ni ex-President Cory Aquino, ay nakitang magka-date sina Anne Curtis at ex-boyfriend nitong si Sam Milby sa Makati Avenue. Ayon sa aking mapagkakatiwalaang source, nangyari ang lahat between 5 to 6 in the morning na ng August 1, sa North Park Restaurant sa Makati Avenue. Kuwento pa sa amin, hindi daw alintana ng dalawa kahit maraming tao sa naturang restaurant. Kasama nila Sam at Anne ang kanilang mga kaibigan na sina Raymond Gutierrez, Bubbles Paraiso, Liz Uy at isa pang Bench model na lalaki. Magkakatabi pa nga daw sa silya sina Raymond, Bubbles at Anne. Samantalang sa katapat namang silya sina Sam, Liz, at ang lalaking modelo.
Nang matapos nang kumain ang grupo nila, unang lumabas ng restaurant sina Anne at Sam. Hinatid sila ng guard sa sasakyan ni Sam na kulay orange. Mula sa kinauupuan ng aking source na nandoon din mismo sa mga oras na yun, kitang-kita'ng napaka-gentleman daw ni Sam dahil pinagbuksan pa niya ng pintuan si Anne. Dahil wala ngang kotse at siguro medyo na-trauma pa itong si Anne sa kanyang pagkaka-aksidente kaya si Sam na marahil ang maghahatid kay Anne sa bahay nito. "Wholesome naman ang table nila. They look very happy," say ng aming informer. Sweet nga daw at iba pa rin daw ang body language nila Anne at Sam noong mga oras na yun, kaya pag-alis daw ng grupo nila, rinig na rinig ang bulungan ng mga tao sa restaurant na "mukhang sila na ulit". Sila na nga ba? Ipasasagot namin yan kay Sam pag nakita namin siya. At si Anne din kaya ang maging date ng aktor sa nalalapit na premiere night ng And I Love You So? Let's wait and see.
http://www.abs-cbn.com/Feature/Artic...r-s-arms-.aspx
Saturday, March 20, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment