By: Julie Bonifacio Thursday, April 23, 2009 10:40 AM
Itinanggi ni Anne Curtis ang balitang may bago na siyang boyfriend nang makapanayam ng ABS-CBN.com sa ASAP ‘09 last Sunday. "Wala pa,” ngiti ni Anne. “Kung mayroon, dapat proud ako. Ayokong magmadali muna after ng last boyfriend ko." Taliwas naman ito sa mga lumabas na report na nakikita pa raw sila na magkasama ng ex-boyfriend kapag nagdi-date sila. "Hindi ko nga alam kung bakit napabalita, eh," sagot niya. "Wala nga ako, even a date, eh. Someone….wala. Kaya nga ang weird, eh. Kahit nga sa labas lagi naman akong magmo-mall, ganyan, Pero lagi kaming group. Wala akongidini-date."
At this point ba handa na siyang magmahal ulit? “Yeah, I mean okay na ako if ever na dumating na ‘yun sa life ko, pwede na. Pero hindi ko pipilitin." Titiyakin ba niya na hindi na taga-showbiz ang susunod na boyfriend niya? "Hindi naman. Wala akong sini-set na certain qualification." Anne admits though na namimiss niya ang pagkakaroon ng boyfriend pero masaya din naman siya sa pagiging single. "Nakaka-miss,” kasunod ang pagkatamis-tamis na ngiti ni Anne. “Pero at the same time, okay din dahil ngayon, nae-enjoy ko na ‘yung pagiging single ko. Lalo na with all my non-showbiz friends."
Nakatakda namang umalis ng bansa si Anne on May 5 for her annual vacation trip abroad. This time, sa Spain naman daw siya pupunta. "Hindi pa ako nakakapunta sa Spain kaya gusto kong pumunta doon. Actually, last year ko pa plano ito, ngayon lang natuloy." Excited na ba siya na makapamasyal sa Spain? "Hindi, mas nae-excite siguro ako for the cultural education na makukuha ko.” So, ‘yun talaga ang main purpose ng trip niya sa Spain? "Yeah, hindi siya shopping. I wanna go to all the cultural places nila, parang museum nila." Hindi kaya may makilala siya sa Spain na magpapatibok muli ng kanyang puso? "Yun nga ang sabi ng mga friends ko, na parang, 'You'll never know that you might meet someone in Spain,' ganu’n. Sabi ko, 'I'm not looking. Pero if it will happen, why not?”
Mawawala sa bansa si Anne for two weeks at pagbalik niya saka niya sisimulan ag bago niyag pelikula mula sa co-production ng Viva Films at GMA Films. “Yeah, I will be doing a movie. Pero hindi pa pwedeng sabihin kung sino ang partner ko sa movie. Secret pa. Basta malalaman ninyo 'yan pagbalik ko.” Hindi man sabihin ni Anne pero walang duda na ito ‘yung movie na gagawin niya with her ex-boyfriend na si Richard Gutierrez. “Hintayin ninyo na lang pagbalik ko,” naka-ngiting pagsagot ni Anne. Naka-schedule naman ang muling pagbabalik ni Anne sa primetime via the teleserye The Wedding this May.
Source:http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/3198/Anne-Curtis-denies-she-has-found-love-once-again.aspx
No comments:
Post a Comment