By: Bernie Franco Saturday, April 25, 2009 9:31 PM
There was sparkle in Anne Curtis’s eyes when she talked about the happiness she attains from being single. Ayon sa Metro Manila Film Fest best actress, nagagawa niya ang lahat ng gusto niya at hindi na inaalalang pagbabawalan siya. “Obviously, I have a lot of time for myself now. I can go out anytime I want and every time I want,” aniya. Sinusulit din umano niya ang kanyang freedom at nae-enjoy niyang muli ang “single blessedness” na hindi niya na-enjoy nung nasa relationship siya. As a matter of fact, aalis ang Fil-Australian actress sa May 5 para sa isang month-long vacation sa Europe. Pinaka-treat ito ni Anne sa sarili at iikutin niya ang nasabing kontinente together with her non-showbiz friends. Si Anne mismo ang nagpaplano ng kanilang trip kaya sadyang excited ito.
Gayunpaman, mayroon ding downside ang pagiging single. Aniya, nami-miss din naman niya minsan ang pagkakaroon ng boyfriend. Nakaka-miss umano ang feeling kapag may nag-aalala sa iyo at ang sweet moments na mararamdaman sa isang relationship. “Siyempre naman, whenever you want to go out and then you’re friends are not available so there is no choice but to be alone,” paliwanag ni Anne. “But there is a difference between being alone and being lonely,” pahabol nito. Inamin naman niya na lumalabas siya at nakikipag-date pero nothing serious.
Nonetheless, Anne’s career is on high dahil bukod sa nakapilang pelikula ay ipapalabas na rin sa May 11 ang bago niyang teleserye The Wedding sa Primetime Bida. Makakasama niya sa nasabing teleserye sina Derek Ramsay at Zanjoe Marudo na tiyak umanong kakikiligan ng mga manonood. Aniya, light drama ang nasabing programa at madaling sundan subalit maganda ang istorya dahil sa twists nito.
Tinawanan din niya ang mga pang-iintriga sa kanya tungkol sa posibilidad na ma-link siya sa kanyang dalawang leading man na pareho nang committed. Ayon kay Anne, pareho niyang kaibigan sina Angelica Panganiban na girlfriend ni Derek at Mariel Rodriguez na katipan naman ni Zanjoe. Nilinaw ng aktres na ang relasyon niya kina Derek at Zanjoe ay purely professional.
In the meantime, ayaw kumpirmahin ni Anne kung siya nga ang sinasabing leading lady ni Richard Gutierrez sa upcoming movie ng aktor. Tikom ang kanyang bibig tungkol dito subalit maraming media people ang tumutukoy sa kanya bilang leading lady.
No comments:
Post a Comment