Saturday, March 20, 2010

Have Anne Curtis and Sam Milby ‘kissed and made-up?’

By: Julie Bonifacio Friday, January 16, 2009 4:59 PM

“Ay, sobrang sweet. Grabe! Basta ang sweet nila.” ‘Yan ang comment ng director ng Dyosa na si Wenn Deramas sa kanyang dalawang lead stars na sina Anne Curtis and Sam Milby. Totoo daw na naghalikan ang dalawa during the farewell party ng show. “Sa Taumbayan Bar, kay Jojit Lorenzo (gumanap na ama-amahan ni Anne sa show) sa Kamuning. Hindi nagsimula ‘yan diyan, naku, huwag ko na sabihin. Wala ako’ng right, e,” ngiti ni Direk Wenn. Pero after a while ay nag-kwento na rin ang direktor. “Hindi, nagsimula ‘yan nu’ng kunan namin ‘yung death scene ni Sam Milby sa torre, sa bundok. Sobrang lamig, sa Tanay. Hinintay namin ang sunrise. kasi ang gusto ko paglabas ng araw. Nu’ng ano ito Monday pero Tuesday na ng madaling-araw ‘yung kinunan kay Sam. So, dalawa na lang silang artista. Tapos ako and the staff, habang nagse-set-up, madilim na madalim, walang ilaw pa, sobra talagang lamig. Parang nasa New York ka ng December. Kasi hindi kaya ng blanket o ng kahit na anong panlamig namin, eh.Sobrang gentleman talaga ni Sam na talagang ultimo legs ni Anne binabalutan niya. Tapos nakaakap siya all throughout the hintay. ‘Yan. Tapos feeling ko doon pa lang nagkaka-something na.”


Hindi man daw nakita ni Direk Wenn ang dalawa the following day ay mukhang nagkakamabutihan na nga ang dalawa. “The next day, Wednesday, hindi ako nag-shoot ng scenes, si Anne lang at si Luis ‘yung nakatakas sila. ‘Yung last taping day hindi na ako kasi underwater na lang, eh. But Wednesday night (farewell party ng Dyosa) ‘yun na. Lagi silang magkatabi, magkakwentuhan. Then kinanta kasi nila ‘yung ano, maraming nagkakantahan. Si DJ (Durano), si Mickey Ferriols, tapos nag-duet si Sam at Anne. And they kissed,” masayang pagsasalaysay ni Direk. Kinanta dawn g dalawa ang theme song ng Dyosa. “Naghalikan sila. Wala nang masyadong tao. Ako nasa labas na ako. Ang ka-kwentuhan ko si Vince de Jesus,‘yung musical directorAng ganda kasi ng attendance namin. Ang wala lang si Luis na nasa Flash Bomba at si Zanjoe. But the rest kumpleto. Sobrang saya.”


Nang tanungin namin si Direk Wenn kung sa tingin ba niya nagkabalikan na ang dalawa, napangiti na lamang ang direktor. “They kissed the whole night,” umpisang sagot nito. “Gusto ko ‘yun kasi, hindiganito na lang. Kung saan masaya si Anne kasi nakita korin naman kung paano‘yung hirap nu’ng nag-split sila.” Three in the morning na daw umalis si Direk Wenn sa victory party at naiwan pa sina Sam at Anne with the other Dyosa stars na sina Jaclyn Jose, and Lloyd Samartino among others. Sayang kung kailan patapos na ang Dyosa saka naman nagkaayos na ulit sina Sam at Anne. “At least, hindi gimik. Totoo,” diin ni Direk Wenn.


 


Source:http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/2189/Have-Anne-Curtis-and-Sam-Milby-kissed-and-made-up-.aspx

No comments:

Post a Comment