Monday, March 29, 2010

SamAnne News March 2010

Anne feared Sam
by Mario Bautista
Thursday, 18 March 2010


JUST friends, lovers no more. This is how Anne Curtis and Sam Milby describe themselves now. At the presscon of "Babe, I Love You", their first film together, Anne admits she had second thoughts about it. "To be honest, may fear ako kasi hindi kami nagbabatian noon," she says. "But I believe we owe it to our fans na noon pa nagre-request for us to do a movie na gawin ito so I consented. We've done TV shows before, 'Maging Sino Ka Man, Book 1 and 2" and 'Dyosa', but our fans have been waiting so long for a movie. So Sam and I took baby steps muna sa first days of shooting. It's a long journey. But I'm glad we're now okay and we have a fresh new start, a clean slate. We have to thank our director, Mae Cruz, for helping us. She also directed us in 'Maging Sino' so kilalang-kilala na niya kami and how to handle us. We're not yet together but who knows what the days to come will bring."

"We're enjoying very much shooting everyday," adds Sam. "We take it one day at a time. I'm glad no more away-bati for us sa ngayon."

In the movie, Anne plays Sasa, a "palengkerang" promo girl, while Sam is Niccolo, a respected professor teaching history of architecture. They are opposites in their stations in life and they also have conflicting family backgrounds, but as the saying goes, all is fair in love so watch sparks fly when these two very different people finally meet and fall in love. Also in the cast are Tetchie Agbayani as Sam's mom, Laurice Guillen, Megan Young, Nikki Valdez, Kitkat, AJ Perez, Nikki Bacolod, Guji Lorenzana, and many more. This opens on Black Saturday, April 3.

Anne, Sam halatang nagkabalikan kahit hindi umamin
by Noel AsiƱas
Thursday, 18 March 2010



AMINADO sina Anne Curtis at Sam Milby na muli nilang binubuhay ang dating nararamdaman sa isa’t isa mula nang magkasama sila sa shooting ng movie nilang Babe, I Love You under Star Cinema at Viva Films.

Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa pero dahil sa Babe, I Love You ay muling pinaglapit sila ng kapalaran.

“Nung una, hirap ako sa set kasi hindi kami nag-iimikan dalawa. Pero, trabaho ang naglapit muli sa amin. Ngayon ang dati naming pagtitinginan na sweet ay unti-unti nang nanunumbalik. Kasi naman ay may mga eksena rin kaming sweet.

“Walang sumbatan o anumang away nang magkita kami. I gues, mas mature na kaming dalawa ngayon. Alam na namin i-handle ang aming mga sarili . Kung saan mauuwi ang muli naming closeness ni Sam, hindi ko alam sa ngayon. Basta, masaya muli kaming dalawa. Pero, wala pang balikang nagaganap,” paglilinaw ni Anne.

Ayon sa bagong director ng pelikula na si Mae Cruz, very professional ang dalawa.

“Sa simula ay nagkakailangan sila pero madali naman nilang na-adjust ang isa’t isa. Kaya wala akong naging problema sa set. Tingin ko, sweet na sila ngayon at gaya ng inaasahan, puwedeng magkabalikan sila,” komento ni Mae.

May love scenes sina Sam at Anne sa Babe, I Love You, na ayon sa director ay kaiinggitan ang dalawa.

Palabas na ang pelikula sa sa April 3.

by Vinia Vivar
Thursday, 18 March 2010


SA presscon ng Babe, I Love You starring Anne Curtis and Sam Milby last Wednesday night, piniga ng press ang dalawa tungkol sa tunay na relasyon nila ngayon.

Sa mga action kasi nila, kitang-kitang may feelings pa sila sa isa’t isa, pero wala namang kumpirmasyon na nanggagaling sa kanila na sila na nga ulit.

Kahit anong paikut-ikot ang gawin sa tanong, consistent ang dalawa sa kanilang mga statement.

“We’re not together. But we’re taking things day by day. We’re starting on a clean slate. May chance naman, and lagi ko namang sinasabi na siya ’yung deepest love ko. Ang tagal ng relationship namin, from Maging Sino Ka Man four years ago. And talagang marami kaming pinagdaanan,” say ni Sam.

“Siguro, it’s safe to say na kung ano ang meron kami, what you see is what you get, ganu’n na lang. Basta ako, I’m happy that Sam and I are okay naman. It’s a fresh start and who knows what will happen, ’yun ’yung safe na sabihin. Ang haba pa ng buhay, so, who knows talaga what will happen?” say naman ni Anne.

Sa teleseryeng Dyosa huling nagkasama sina Anne at Sam at ngayon lang ulit nasundan, but this time, mas malaking project dahil sa big screen na sila makikita.

From Dyosa, ang maganda raw ngayon o ang difference ng pagtatrabaho nila, mas mature na sila at mas naging professional sila na i-work-out ang kanilang mga away alang-alang sa eksena.

May mga time raw kasi na magkaaway sila sa set, pero dahil nga may eksena sila together, kailangan nilang maayos agad ang away na nagagawa naman daw nila ngayon unlike before sa Dyosa.

Showing na ang Babe, I Love You sa April 3, Black Saturday, mula sa direksyon ni Mae Cruz under Star Cinema.

1 comment:

Unknown said...

watch pinoy tv show here pinoy-fans.org

or download our android application here Philipine TV Replays android app

or download our apple application here Philipine TV Replays ios app

LIKE US : Facebook

Post a Comment