Monday, March 29, 2010

ANNE TAKAM NA TAKAM SA ABS AT MUSCLES NI SAM

ANNE TAKAM NA TAKAM SA ABS AT MUSCLES NI SAM
Bandera
by Reggee Bonoan
03/19/2010

Sa grand presscon ng pelikulang "Babe I Love You" nina Sam Milby at Anne Curtis na joint venture ng Star Cinema at Viva Films ay nalilito ang entertainment press kung ano ba talaga ang relasyon ng dalawang bida.

Balita kasi ang pag-aaway-bati nina Sam at Anne lalo na sa set ng kanilang movie. Kahapon mababalitang nagkaroon sila ng matinding away, pero bukas, bati na pala sila!? Kaya ang tanong namin, ano ba talaga ang real score sa dalawang ito?

“Basta kami, puwedeng sabihing love-hate ang relasyon namin. Hindi rin kasi namin masabi kung ano kami in the future basta ang alam namin, we said to each other na we’re not closing our doors. Kung kami, e, di kami in the future. Kung hindi, e, di hindi, basta we’re friends at mas maganda ang relasyon namin ngayon,” sabi ni Anne.

Hindi rin naman itinago ng aktres na sobrang attracted pa rin siya kay Sam. “Of course, I admit it that I’m physically attracted to Sam. Plus factor pa siguro ‘yung personality niya, e, hindi lang oozing with sex appeal but also with pleasant personality pa.

“Nagiging magandang mix kasi at hindi niya alam na ganu’n siya ka-hot!” nakangiting paglalarawan ni Anne. “Npaka-humble niya. At sa set sinasabi niya na malaki ang tummy niya, e, sa mga billboards naman niya, ang ganda ng abs. Hindi siya aware or hindi niya ipinagmamalaki na macho siya or hunk or whatever, hindi ganu’n ang tingin niya sa sarili niya. And for me, that makes Sam more attractive,” dagdag pang papuri ni Anne.

Tinanong naman namin si Sam kung may plano pa ba siyang balikan si Anne o wala na dahil baka pagod na siya sa away-bati nilang relasyon? “Oh, ate Reggs, parang awkward namang sagutin ‘yan, well, as of now, we're really good friends. As we've said before, we do not know what’s gonna happen next. Basta okey kami ngayon,” sagot ni Sam na halatang nataranta.

At ang love-hate relationship nina Sam at Anne ang mismong kuwento ng "Babe I Love You" kaya hindi na raw nahirapan si Direk Mae Cruz na gawin ang pelikula kasi parang true-to-life raw talaga ang acting ng dalawa. Anyway, sa April 3, Black Saturday na ang showing ng pelikula

Speaking of "Babe I Love You", naaliw kami sa M&M chocolates na ipinamigay ng Hot Girls na loyal supporters nina Sam Milby at Anne Curtis bilang remembrance, talagang effort kung effort ang ginawa nila, huh!

Imagine, ang tin can na pinaglagyan ng tsokolate ay halatang pinasadya pa dahil may tatak 'yun sa likod at sa mga mismong chocolates ay may nakasulat pang "Babe I Love You Sam n Anne" with pictures pa 'yun. At pati ang pangalan ni direk Mae Cruz ay naroon din. Inisip tuloy namin kung paano natatakan ang ganu’n kaliliit na tsokolate? Inisa-isa kaya nilang sulatan iyon?

Nalaman din namin na halos sa lahat ng taping days nina Sam and Anne for the movie ay nandu'n din ang kanilang loyal fans. Sa pagtatanong namin ay sa sariling bulsa raw galing ang lahat ng gastos ng fans at sa katunayan ay sila pa ang nagbibigay kina Sam at Anne ng kung anik-anik na mga regalo.

No comments:

Post a Comment