Anne, Sam halatang nagkabalikan kahit hindi umamin
by Noel Asiñas
Thursday, 18 March 2010 18:22
AMINADO sina Anne Curtis at Sam Milby na muli nilang binubuhay ang dating nararamdaman sa isa’t isa mula nang magkasama sila sa shooting ng movie nilang Babe, I Love You under Star Cinema at Viva Films.
Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa pero dahil sa Babe, I Love You ay muling pinaglapit sila ng kapalaran.
“Nung una, hirap ako sa set kasi hindi kami nag-iimikan dalawa. Pero, trabaho ang naglapit muli sa amin. Ngayon ang dati naming pagtitinginan na sweet ay unti-unti nang nanunumbalik. Kasi naman ay may mga eksena rin kaming sweet.
“Walang sumbatan o anumang away nang magkita kami. I gues, mas mature na kaming dalawa ngayon. Alam na namin i-handle ang aming mga sarili . Kung saan mauuwi ang muli naming closeness ni Sam, hindi ko alam sa ngayon. Basta, masaya muli kaming dalawa. Pero, wala pang balikang nagaganap,” paglilinaw ni Anne.
Ayon sa bagong director ng pelikula na si Mae Cruz, very professional ang dalawa.
“Sa simula ay nagkakailangan sila pero madali naman nilang na-adjust ang isa’t isa. Kaya wala akong naging problema sa set. Tingin ko, sweet na sila ngayon at gaya ng inaasahan, puwedeng magkabalikan sila,” komento ni Mae.
May love scenes sina Sam at Anne sa Babe, I Love You, na ayon sa director ay kaiinggitan ang dalawa.
Palabas na ang pelikula sa sa April 3.
Monday, March 29, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment