ANNE, MANANATILI SA PUSO NI SAM
Allan Diones
‘TIKTAK’ ang dating tawag ni Anne Curtis sa ex-boyfriend niyang si Sam Milby.
Nakuha ni Anne ang salitang ‘yon sa mga kaibigan niyang bading, na ang ibig sabihin ay ‘tiktak nang tiktak’ o mahilig tumalak at dumaldal.
Nang malaman ni Sam ang ibig sabihin ng nasabing gay term ay hindi na ito ginamit ni Anne.
Sa presscon ng first movie nila together na Babe, I Love You ay tinanong ang dalawa kung anong term of endearment nila nu’ng magsyota pa sila. Nagpa-cute ang da*lawa at hindi nila nasagot ang tanong.
Basta may codename daw sila noon sa isa’t isa at nagulat sila kung bakit nalaman ‘yon ng friends nilang sina Angelica Pa*nganiban at Shaina Magdayao.
Galing daw ‘yon sa language na ginamit nila sa teleseryeng Dyosa, pero hindi binanggit ng dalawa kung ano ‘yung codenames nila na ‘yon.
Sa tanong kung kailan nila huling sinabi sa isa’t isa ang linyang ‘Babe, I love you, ang sagot nina Anne at Sam ay matagal na.
“As in matagal na. At hindi pa right time sabihin ulit ‘yon,” pakli ni Anne.
“As of now clean slate, fresh start, let’s see what happens.”
Dagdag pa ni Anne, minsan ay napi-pressure daw sila ni Sam dahil they don’t talk about it, pero ang press ay madalas na pinapasabi sa kanila ang mga salitang ‘I love you.’
Sa ngayon ay nasa awkward stage pa sila and when the time comes na sasabihin nila ‘yon sa isa’t isa ay gagawin nila ‘yon privately.
Ayon kay Sam, “Anne will always have a special place in my heart. I will always be there for her.”
Marami raw siyang natutunan kay Anne at kahit daw siguro maging 70-anyos na siya ay hindi makakalimutan ni Sam ang magandang pinagsamahan nila ni Anne.
Hirit ni Anne, type niya ang term na always and forever. Sa lahat ng la*laking minahal niya ay kay Sam lang daw siya nagbigay-todo.
Dahil doon ay hindi raw makakalimutan ni Anne ang experiences niya kay Sam at tipong ‘pag may mga anak na siya ay ikukuwento niya pa ang tungkol dito.
Sa Sabado de Gloria (Abril 3) ang showing ng Babe, I Love You ng Star Cinema.
http://www.abante-tonite.com/issue/m...ment_allan.htm
Monday, March 29, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment