Thursday, April 15, 2010

Babe, I Love You Articles & Reviews - 4

TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) Updated April 10, 2010 12:00 AM


Hindi ko malilimutan na napansin ko ang pagpa pa-charming ni Anne Curtis kay Sam Milby sa rehearsal nila noon sa Araneta Coli seum.

Panay ang pagpapakuha ni Anne ng litrato na kasama si Sam at hindi nagtagal, nabalitaan ko na mag-dyowa na sila.


~~~

Anne sobrang in love pa rin kay Sam; Carmen huling ka-holding hands ni direk Lino
SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) Updated April 10, 2010 12:00 AM


Mukhang in love pa nga si Anne Curtis kay Sam Milby.

Sa Showtime kahapon, obvious na obvious na kinikilig ang actress/TV host nang mag-guest ang leading man niya sa Babe I Love You.

First time mag-guest ni Sam sa nasabing programa nina Anne at Vhong Navarro kaya kahit ang mga co-host niya ay kinikilig-kilig sa kanila.

Actually, parang nanawala pa nga sa sarili si Anne ha.

~~~

Sam, consistent na magaling umarte
Anne, epektibo ang pagpapatawa
Allan Diones


MARAMING tao sa sinehan nang manood kami ng LFS ng Babe, I Love You kamakalawa nang gabi sa TriNoma.
Wala kaming masyadong expectation sa pelikula dahil alam naming isa na namin itong formula mo*vie mula sa Star Cinema (na pumapatok sa takilya kaya panay ganito ang ginagawa nila), pero in fairness ay nagustuhan namin ang first movie ng dating magkasintahang Anne Curtis at Sam Milby.
Si Nico Borromeo (Sam) ay isang architecture professor, na may conflict sa kanyang propesorang ina (Laurice Guillen) na naging malamig ang trato sa kanya mula nang mamatay ang kanyang ama.
Isang gabing nakiki*pag*buno si Nico sa mga holdaper ay tinulungan siya ng promo girl na si Sasa Sanchez (Anne) gamit ang kakarag-karag nitong kotse.
Nawasak ang harapan ng kotse ni Sasa sa pagsaklolo nito kay Nico kaya sinisingil siya ng dalaga ng ‘40 kiyaw’ (P40K). Hindi pumayag magba*yad si Nico.
Sinugod si Nico ni Sasa sa eskuwelahang pinagtuturuan niya at halos maes*kandalo siya sa panini*ngil nito ng utang daw niya. Hindi pa rin siya puma*yag na makikilan ni Sasa, pero para matahimik ito ay pumayag siyang ipagmaneho ito kung saan nito gustong pumunta.
Iyung aso’t pusa nilang simula ay unti-unting humupa nang makilala nila ang isa’t isa. Magkaiba man ang kanilang mga ugali at ang mundong kinalakihan nila ay nauwi sa pag-iibigan ang kakatwang relasyon ng dalawa.
***
Tipikal na rich boy meets poor girl ang kuwento ng Babe, I Love You.
Kababawan lang ang pelikula at sobrang predic*table, buti na lang at bagong tambalan sa big screen ang Anne-Sam tandem.
Pareho naming gustung-gusto sina Anne at Sam kaya rin siguro na-enjoy namin ang pelikula. Bukod sa bagay sila at magka-match ang mga itsura nila ay parehong very likeable ang personality ng dalawa.
Si Sam, na kahit palaging Inglisero ang mga role (at may American twang pa rin ang Tagalog hanggang ngayon) ay palagi naming pinupuri dahil consistent siyang magaling umarte mula pa nu’ng first mo*vie niya na Close to You (2006) kasama sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
Dito ay bagay na bagay na naman kay Sam ang karakter niya bilang stuck-up na anak-mayamang propesor, na napaibig ng isang babaeng hindi niya kauri.
Ang galing umarte ni Sam na seryoso at prim and proper, hanggang sa unti-unti siyang nag-loosen up sa karakter ni Anne.
Bukod sa guwapo ay ang sexy ng katawan ni Sam, lalo na nang maghubad siya na lumitaw ang malaking tattoo ng tigre sa kanyang tagiliran.
Kering-keri ni Anne ang karakter niya na ganda-gandahang promo girl na nag-aalok ng kung anu-anong alak sa mga kalala*kihan sa bar.
Jologs kung jologs siyang bilang si Sasa, na maingay ang bunganga, makapal mag-makeup, malakas magyosi at sanay gumamit ng gay lingo tulad ng havey, kiyaw, dyowa at eklavu.
Epektibo ang pagko-comedy ni Anne at panay ang tawa ng audience sa mga nakakaaliw na hirit niya.
Ang ganda-ganda niya sa screen at ang sexy niya nang mag-two piece bikini siya sa beach at nang rumampa siya nu’ng sumali siya sa isang bikini contest.
Ang ganda ng moment nina Anne at Sam sa Q&A portion ng nasabing bikini contest na pagkatapos ay sinundan ng kanilang wholesome kissing scene.
Ang cute nu’ng eksenang sumakay ang dala*wa sa loob ng zorb at tumutumba-tumba sila ‘pag tumatayo sa tubig.
Touching din at hindi OA ang drama moment nina Anne at Sam. Si Sam ay walang keber kahit madalas siyang pinapaiyak, gaya sa emotional moment nila ng inang si Laurice Guillen.
Kaya pala walang maikuwento sina Anne at Sam tungkol sa kanilang love scene sa pelikula ay dahil wala silang ganu’ng eksena.
Hindi ito kailangan kaya okey lang din na wala.

No comments:

Post a Comment